Tagalog

Ang Nakatagong Buhay ni Jesus

Hunyo 4, 2022
Sabado ng Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Mga Pagbasa para sa Araw na Ito

Video

Marami pang ibang ginawa si Jesus, ngunit kung isusulat ang bawat isa sa mga ito, sa palagay ko ay hindi magkakasya sa buong daigdig ang mga aklat na maisusulat.  John 21:25

Isipin ang malalim na pagkaunawa ng ating Mahal na Ina tungkol sa kanyang Anak.  Bilang Kanyang ina, tiyak na nakita at naunawaan niya ang napakaraming nakatagong sandali ng Kanyang buhay.  Nasaksihan niya ang Kanyang paglaki taon-taon.  Nakita niya kung paano Siya nakitungo at nakisalamuha sa iba sa buong buhay Niya.  Napansin niyang naghahanda Siya para sa Kanyang hayag na ministeryo.  At nasaksihan niya ang napakaraming nakatagong sandali ng hayag na ministeryong iyon at ang di-mabilang na banal na sandali sa buong buhay Niya.  

Ang talata sa Banal na Kasulatan sa itaas ang huling pangungusap ng Ebanghelyo ni Juan, at hindi natin ito madalas marinig.  Ngunit nag-aalok ito ng ilang kapana-panabik na kabatirang maaari nating pagnilayan.  Ang lahat ng nalalaman natin tungkol sa buhay ni Kristo ay nakapaloob sa mga Ebanghelyo, ngunit paano mailalarawan ng maiikling aklat na ito ng Ebanghelyo ang kabuuan ng kung sino si Jesus?  Tiyak na hindi nila ito kayang gawin.  Upang magawa iyon, gaya ng sinabi ni Juan sa itaas, hindi magkakasya sa buong daigdig ang mga pahinang maisusulat.  Napakalalim ng ipinahihiwatig nito.

Kaya ang unang kabatirang dapat nating makuha mula sa talatang ito ng Banal na Kasulatan ay na maliit na bahagi lamang ng tunay na buhay ni Kristo ang nalalaman natin.  Maluwalhati ang nalalaman natin.  Ngunit dapat nating matanto na napakarami pa nating hindi nalalaman.  At ang pagkaunawang ito ay dapat pumuspos sa ating isipan ng interes, pananabik, at pagnanais na higit pang makilala Siya.  Sa pagkabatid kung gaano nga kakaunti ang tunay nating nalalaman, nawa ay mahikayat tayong hanapin si Kristo nang mas malalim.  

Gayunman, ang ikalawang kabatirang makukuha natin sa talatang ito ay na, bagaman hindi maikakasya sa di-mabilang na tomo ng mga aklat ang napakaraming pangyayari sa buhay ni Kristo, maaari pa rin nating matuklasan si Jesus mismo sa kung ano ang NAKAPALOOB sa Banal na Kasulatan.  Hindi man natin malaman ang bawat detalye ng Kanyang buhay, maaari naman nating makatagpo ang Kanyang Persona.  Maaari nating makatagpo sa Banal na Kasulatan ang Buháy na Salita ng Diyos mismo, at sa pakikipagtagpong iyon sa Kanya, ibinibigay sa atin ang lahat ng kailangan natin.

Pagnilayan ngayon kung gaano mo kalalim na kilala si Jesus.  Naglalaan ka ba ng sapat na panahon upang basahin at pagnilayan ang Banal na Kasulatan?  Nakikipag-usap ka ba sa Kanya araw-araw at nagsisikap na makilala at mahalin Siya?  Nadarama mo ba ang Kanyang presensya, at palagi mo bang inilalaan ang iyong sarili upang makapiling Siya?  Kung “Hindi” ang sagot mo sa alinman sa mga tanong na ito, marahil ay magandang araw ito upang muling italaga ang iyong sarili sa mas malalim na pagbabasa ng Banal na Salita ng Diyos.

Panginoon, maaaring hindi ko alam ang lahat tungkol sa Iyong buhay, ngunit tunay kong ninanais na makilala Ka.  Nais kong makatagpo Ka araw-araw, mahalin Ka, at makilala Ka.  Tulungan Mo akong higit na mapalalim ang aking ugnayan sa Iyo.  Jesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Nobena sa Espiritu Santo
Dinadasal bilang paghahanda sa Pentekostes
Ikasiyam na Araw – Sabado, Mayo 30

Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo

Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos

Mga Santo/Kapistahan Ngayon

Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa

Larawan: Pag-akyat ni Kristo sa Langit Ipinapalagay na likha ni Dosso Dossi, mula sa Wikimedia Commons


Simula Hunyo 7, 2022, papasok tayo sa Karaniwang Panahon:

Karaniwang Panahon: Mga Linggo 1–17

 Amazon – Google Play – iTunes