Tagalog

Pagdadalisay

Nobyembre 18, 2022
Biyernes ng Ikatatlumpu’t Tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Mga Pagbasa para sa Araw na Ito

Pagtatalaga ng mga Basilika nina San Pedro at San Pablo, mga Apostol—Opsiyonal na Paggunita

Santa Rosa Filipina Duchesne, Birhen—Opsiyonal na Paggunita sa USA

Video

Pumasok si Hesus sa bakuran ng templo at sinimulang palayasin ang mga nagtitinda, na sinasabi sa kanila, “Nasusulat, Ang aking bahay ay magiging bahay-dalanginan, ngunit ginawa ninyo itong pugad ng mga magnanakaw.”  Luke 19:45-46

Inihahayag ng talatang ito hindi lamang ang isang bagay na ginawa ni Hesus noong unang panahon, kundi pati ang isang bagay na nais Niyang gawin ngayon.  Bukod dito, nais Niya itong gawin sa dalawang paraan: nais Niyang bunutin ang lahat ng kasamaan sa templo ng ating daigdig, at nais Niyang bunutin ang lahat ng kasamaan sa templo ng ating mga puso.

Tungkol sa unang punto, malinaw na ang kasamaan at ambisyon ng marami sa buong kasaysayan ay nakapasok sa ating Simbahan at daigdig.  Hindi na ito bago.  Malamang na ang bawat isa ay nakaranas na ng anumang uri ng sakit na dulot ng mga taong nasa loob mismo ng Simbahan, ng lipunan, at maging ng pamilya.  Hindi ipinangangako ni Hesus na magiging ganap ang mga taong nakakasalamuha natin araw-araw, ngunit ipinangangako Niyang buong-lakas Niyang haharapin at bubunutin ang kasamaan.  

Tungkol naman sa ikalawa at pinakamahalagang punto, dapat nating tingnan ang talatang ito bilang isang aral para sa ating sariling kaluluwa.  Ang bawat kaluluwa ay isang templong dapat ilaan lamang sa kaluwalhatian ng Diyos at sa pagtupad ng Kanyang banal na kalooban.  Kaya natutupad ang talatang ito ngayon kung hahayaan nating pumasok ang ating Panginoon at makita ang kasamaan at karumihan sa loob ng ating sariling kaluluwa.  Maaaring hindi ito madaling gawin at mangangailangan ito ng tunay na kababaang-loob at pagsuko, ngunit ang magiging bunga nito ay ang paglilinis at pagdadalisay na isasagawa ng ating Panginoon.

Pagnilayan ngayon ang katotohanang nais ni Hesus na magsagawa ng pagdadalisay sa maraming paraan.  Nais Niyang dalisayin ang buong Simbahan, ang bawat lipunan at pamayanan, ang iyong sariling pamilya, at lalo na ang iyong sariling kaluluwa.  Huwag kang matakot na hayaang kumilos ang kapangyarihan ng banal na poot ni Hesus.  Ipanalangin ang pagdadalisay sa lahat ng antas at hayaang tuparin ni Hesus ang Kanyang misyon.

Panginoon, taimtim kong ipinapanalangin ang pagdadalisay ng aming daigdig, ng aming Simbahan, ng aming mga pamilya, at higit sa lahat, ng sarili kong kaluluwa.  Inaanyayahan Kitang lumapit sa akin sa araw na ito upang ipakita sa akin kung ano ang lubhang nagpapalungkot sa Iyo.  Inaanyayahan Kitang bunutin sa aking puso ang lahat ng hindi kalugud-lugod sa Iyo.  Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Nobena kay Kristong Hari
Tradisyonal na Siyam na Araw Bago ang Dakilang Kapistahan ni Kristong Hari
>Nobenang dinarasal araw-araw mula Nobyembre 11–19

Tingnan ang aming mga sanggunian para sa Adbiyento!

Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo

Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos

Lahat ng mga Santo/Kapistahan

Mga Santo sa Araw na Ito –

Pagtatalaga sa mga Basilika nina San Pedro at San Pablo, mga Apostol

Santa Rose Philippine Duchesne, Birhen

Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa

Tampok na larawan sa itaas: Ang Pagpapalayas ni Kristo sa mga Tagapagpalit ng Salapi mula sa Templo ni Theodoor Rombouts, mula sa Wikimedia Commons,