Tagalog

Pagkamangha sa Awa ng Diyos

Monday, December 10, 2018

 Monday of the Second Week of Advent

Mga Pagbasa Ngayon

All Saints for Today

Namangha silang lahat at niluwalhati nila ang Diyos. Puspos ng banal na pagkamangha, sinabi nila, “Nakakita tayo ngayon ng mga di-kapani-paniwalang bagay.”  Luke 5:26

“Namangha” sila dahil pinagaling ni Hesus ang paralitiko matapos itong ibaba sa bubong ng isang bahay kung saan nagtuturo si Hesus.  Pinagaling siya ni Hesus at namangha sila.

Ngunit hindi ito ang pinakahinangaan at pinakanamanghaan ng mga tao.  Ang pinakakamangha-mangha ay sinabi rin ni Hesus sa paralitiko, “Pinatatawad na ang iyong mga kasalanan” (Luke 5:20).  Pagkatapos, pinatunayan ni Hesus na mayroon Siyang kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan sa pamamagitan ng himalang ito ng pagpapagaling sa katawan.

Totoo, umuwi ang karamihan sa mga tao nang araw na iyon na ang unang ikinukuwento ay ang pagpapagaling sa katawan.  Ngunit makatitiyak ka na, habang pinagninilayan nila ang karanasang ito, lalo silang naantig sa pagpapatawad ng mga kasalanan.  Marahil ay hindi nila lubos na naunawaan ang kahulugan ng lahat ng ito.  Gayunman, ang Kanyang mga salita ng pagpapatawad ay lubhang makapangyarihan at nakapagpapabago.

Pagnilayan mo ngayon ang iyong pagnanais na tumanggap ng kapatawaran ng Diyos sa iyong buhay.  Nananabik ka bang marinig ang mga salitang ito na sinasabi sa iyo?  Nananabik ka bang maranasan ang awa at kapatawaran ni Hesus sa iyong buhay?  Naparito Siya mula sa Langit tungo sa lupa upang ialok sa iyo ang kapatawaran ng iyong mga kasalanan.  Sa huli, hindi ang mga himala ang mahalaga.  Ang mahalaga ay ang awa at kapatawaran.  Kapag tinanggap mo ang kaloob na ito ng Kanyang awa, luluwalhatiin mo rin ang Diyos nang may masaya at banal na pagkamangha habang nakikita mong nahahayag sa iyong buhay ang di-kapani-paniwalang kaloob na ito.

Lord, I do desire Your mercy and forgiveness in my life.  Help me to lower myself before You so that I can hear You say, ‘Your sins are forgiven.’  Jesus, I trust in You.

Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo

Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos

Advent Resources