Mayo 26, 2020
Martes ng Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Mga Pagbasa Ngayong Araw
San Felipe Neri, Pari—Paggunita

Tumingala si Hesus sa langit at sinabi, “Ama, dumating na ang oras. Luwalhatiin Mo ang Iyong Anak upang luwalhatiin Ka ng Iyong Anak.” Juan 17:1
Ang pagluluwalhati sa Anak ay gawa ng Ama, ngunit isa rin itong gawa na dapat nating bigyang-pansin lahat!
Una sa lahat, dapat nating kilalanin na ang “oras” na tinutukoy ni Hesus ay ang oras ng Kanyang Pagkapako sa Krus. Sa simula, maaaring tila malungkot na sandali ito. Ngunit sa pananaw ng Diyos, nakikita ito ni Hesus bilang oras ng Kanyang kaluwalhatian. Ito ang oras na niluluwalhati Siya ng Ama sa Langit sapagkat ganap Niyang tinupad ang kalooban ng Ama. Buo Niyang niyakap ang Kanyang kamatayan para sa kaligtasan ng sanlibutan.
Dapat din natin itong tingnan mula sa ating pananaw bilang tao. Sa ating pang-araw-araw na buhay, dapat nating makita na ang “oras” na ito ay maaari nating patuloy na yakapin at hayaang magbunga. Dapat nating isabuhay sa tuwina ang “oras” ni Hesus. Paano? Sa patuloy na pagyakap sa Krus sa ating buhay, upang ang krus na ito ay maging sandali rin ng pagluluwalhati. Sa paggawa nito, nagkakaroon ng bagong kahulugan ang ating mga krus sa pananaw ng Diyos: nagkakaroon ang mga ito ng bahagi sa buhay ng Diyos at sa gayon ay nagiging bukal ng Kanyang biyaya.
Ang kagandahan ng Ebanghelyo ay ito: bawat pagdurusang tinitiis natin, bawat krus na pinapasan natin, ay pagkakataong maipakita ang Krus ni Kristo. Tinatawag Niya tayong luwalhatiin Siya sa tuwina sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng Kanyang pagdurusa at kamatayan.
Pagnilayan mo ngayon ang mga paghihirap na tinitiis mo. At alamin mong, kay Kristo, ang mga paghihirap na iyon ay maaaring makibahagi sa Kanyang mapagtubos na pag-ibig kung hahayaan mo Siyang kumilos.
Hesus, ipinauubaya ko sa Iyo ang aking krus at mga paghihirap. Ikaw ay Diyos at kaya Mong baguhin ang lahat ng bagay tungo sa kaluwalhatian. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.
Nobena sa Espiritu Santo
Dinadasal bilang paghahanda sa Pentekostes
Ikalimang Araw – Martes, Mayo 26
Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo
Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos
Santo ng Araw – San Felipe Neri, Pari
Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa




