Tagalog

Ang Espiritu ng Katotohanan

May 20, 2020
Wednesday of the Sixth Week of Easter
Readings for Today

San Bernardino ng Siena, Pari—Opsiyonal na Paggunita

Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad: “Marami pa Akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi pa ninyo kayang tanggapin ngayon. Ngunit pagdating Niya, ang Espiritu ng katotohanan, papatnubayan Niya kayo tungo sa buong katotohanan.”  John 16:12–13

Habang patuloy tayong nalalapit sa kahanga-hangang Dakilang Kapistahan ng Pentekostes, patuloy nating itinutuon ang ating pansin sa Espiritu Santo. Partikular na tinutukoy ng talatang ito ang Espiritu Santo bilang ang “Espiritu ng Katotohanan.”

Kapansin-pansin kung paano ipinakikilala ni Hesus ang Espiritu Santo sa titulong ito. Ipinaliliwanag Niyang marami pa Siyang sasabihin sa kanila, ngunit hindi pa nila kayang tanggapin ang mga ito ngayon. Sa madaling salita, hindi nila kayang tanggapin ang bigat ng “Katotohanan” maliban kung ang Espiritu Santo ay nabubuhay sa kanilang kalooban at nagtuturo sa kanila. Nagbibigay ito sa atin ng dalawang kahanga-hangang kabatirang nararapat pagnilayan.

Una, kung hindi pa natin tunay na nabubuksan ang ating buhay sa kapangyarihan at presensya ng Espiritu Santo, makatitiyak tayong hindi natin kayang tanggapin ang bigat ng Katotohanan. Hindi natin mauunawaan ang malalalim na katotohanan ng Diyos at hindi natin mapaniniwalaan ang mga ito maliban kung ang Espiritu Santo ay nabubuhay sa ating kalooban. Nakakatakot itong isipin sapagkat, kapag hindi lubos na pinupuspos ng Espiritu Santo ang isang tao, nananatili siya sa kadiliman tungkol sa buong Katotohanan. At ang nakalulungkot, hindi man lamang niya mamamalayang nasa kadiliman siya!

Kung hindi mo ito maunawaan, marahil ay bahagya ka ring nagkukulang sa Espiritu ng Katotohanan. Bakit? Sapagkat kapag ang Espiritu ng Katotohanan ay nabubuhay sa iyong kalooban, matitiyak mong alam mo ang Katotohanan.

Ikalawa, kapag lubos mong binuksan ang iyong isip at puso sa Espiritu Santo, magugutom ka sa Katotohanan. “Aakayin ka sa buong katotohanan” ng Espiritu Santo. At isa sa mga bunga ng pag-akay sa iyo sa buong katotohanan ay ang pagkamangha mo sa paglalakbay na ito. Mamamangha ka sa pagkaunawa sa mga bagay na nabubuksan sa iyong isipan. Mauunawaan mo ang mga bagay sa isang bagong paraan. Ang Espiritu Santo ang ganap na “gabay,” at maluwalhati ang paglalakbay tungo sa Katotohanan.

Pagnilayan mo ngayon ang Katotohanan na nananahan sa isip ng Ama sa Langit. Gaano ka kabukas sa Katotohanan? Gaano mo kalubos na tinatanggap ang lahat ng nais ihayag sa iyo ng Diyos? Buksan mo nang higit ang iyong sarili sa Espiritu Santo at hanapin ang lahat ng nais Niyang ihayag sa iyo.

Holy Spirit, come consume my life.  Teach me and guide me into all Truth.  Holy Spirit, Divine Lord, Merciful Father, I trust in You.

Novena to the Holy Spirit
Prayed in preparation for Pentecost
Beginning Friday, May 22

Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo

Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos

Lahat ng mga Santo/Kapistahan

Santo ng Araw – San Bernardino ng Siena, Pari

Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa

Image: Christ Taking Leave of the Apostles by Duccio di Buoninsegna