Tagalog

Pagdudulot ng Pagbabago

June 9, 2020
Tuesday of the Tenth Week of Ordinary Time
Readings for Today

San Efren, Diyakono at Pantas ng Simbahan—Paggunita na Maaaring Ipagdiwang

“You are the salt of the earth…You are the light of the world.”  Matthew 5:13a &14a

Asin at ilaw—iyan tayo.  Sana nga!  Napagnilayan mo na ba kung ano ang ibig sabihin ng pagiging asin o ilaw sa mundong ito? 

Magsimula tayo sa larawang ito.  Isipin mong nagluluto ka ng isang masarap na sabaw ng gulay gamit ang pinakamaiinam na sangkap.  Ilang oras itong marahang kumukulo at mukhang napakasarap ng sabaw.  Ngunit ang wala ka ay asin at iba pang pampalasa.  Kaya hinahayaan mo na lang itong kumulo, umaasang magiging masarap pa rin ito.  Nang maluto na, tinikman mo ito at, sa iyong pagkadismaya, medyo matabang pala.  Kaya naghanap ka hanggang sa makita mo ang kulang na sangkap—asin—at nilagyan mo ito ng tamang dami.  Matapos ang isa pang kalahating oras ng pagpapakulo, muli mo itong tinikman at tuwang-tuwa ka sa lasa.  Kamangha-mangha ang nagagawa ng asin!  

O isipin mong naglalakad ka sa kagubatan at naligaw ka.  Habang naghahanap ka ng daan palabas, lumubog ang araw at unti-unting dumilim.  Makulimlim ang langit kaya walang makitang mga bituin o buwan.  Mga kalahating oras matapos lumubog ang araw, nabalot ka ng lubos na kadiliman sa gitna ng kagubatan.  Habang nakaupo ka roon, bigla mong nakita ang maliwanag na buwan na sumisilip sa mga ulap.  Kabilugan ng buwan at unti-unting nahahawi ang mga ulap sa langit.  Biglang nagbigay ng sapat na liwanag ang kabilugan ng buwan sa iyong daraanan, kaya muli kang nakahanap ng daan sa madilim na kagubatan.

Ipinakikita sa atin ng dalawang larawang ito ang kahalagahan ng kahit kaunting asin at kaunting liwanag.  Kaunti lamang, ngunit nababago nito ang lahat!  

Gayon din tayo sa ating pananampalataya.  Madilim sa napakaraming paraan ang mundong ating ginagalawan.  Halos wala rin dito ang “lasa” ng pag-ibig at awa.  Tinatawag ka ng Diyos na magdagdag ng kaunting lasang iyon at magbigay ng kaunting liwanag na iyon upang matagpuan ng iba ang kanilang daan.  

Tulad ng buwan, hindi ikaw ang pinagmumulan ng liwanag.  Sinasalamin mo lamang ang liwanag.  Nais ng Diyos na magliwanag sa pamamagitan mo, at nais Niyang masalamin mo ang Kanyang liwanag.  Kung bukás ka rito, hahawiin Niya ang mga ulap sa tamang panahon upang magamit ka Niya sa paraang Kanyang pinili.  Ang pananagutan mo ay maging bukás lamang.  

Pagnilayan mo ngayon kung gaano ka kabukás.  Manalangin araw-araw na gamitin ka ng Diyos ayon sa Kanyang banal na layunin.  Buksan mo ang iyong sarili sa Kanyang banal na biyaya at mamamangha ka sa paraan ng paggamit Niya sa maliliit na bagay sa iyong buhay upang magdulot ng pagbabago.

Lord, I do want to be used by You.  I want to be salt and light.  I want to make a difference in this world.  I give myself to You and Your service.  Jesus, I trust in You.

Novena to the Sacred Heart
Novena dates:June 10-18, 2020
June 19, 2020: Solemnity of the Sacred Heart

Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo

Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos

Lahat ng mga Santo/Kapistahan

Saint of the Day – Saint Ephrem, Deacon and Doctor

Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa