June 30, 2020
Tuesday of the Thirteenth Week of Ordinary Time
Readings for Today
Mga Unang Martir ng Simbahan sa Roma—Paggunita kung nais

Lumapit sila at ginising si Jesus, na sinasabi, “Panginoon, iligtas Mo kami! Mamamatay na kami!” Sinabi Niya sa kanila, “Bakit kayo natatakot, kayong kakaunti ang pananampalataya?” Pagkatapos ay bumangon Siya, sinaway ang hangin at ang dagat, at nagkaroon ng lubos na katahimikan. Mateo 8:25-26
Isipin mong nasa laot ka kasama ng mga Apostol. Isa kang mangingisda at hindi na mabilang ang mga oras na ginugol mo sa dagat sa buong buhay mo. May mga araw na napakapayapa ng dagat at may mga araw namang malalaki ang mga alon. Ngunit kakaiba ang araw na ito. Napakalalaki at humahampas ang mga alon, at natakot kang baka masama ang kahinatnan nito. Kaya, kasama ng iba pang nasa bangka, taranta mong ginising si Jesus, umaasang ililigtas ka Niya.
Ano kaya ang pinakamabuting gawin ng mga Apostol sa ganitong sitwasyon? Malamang, ang hayaan si Jesus na manatiling natutulog. Ang pinakamainam sana ay harapin nila ang malakas na bagyo nang may pagtitiwala at pag-asa. Maaaring bihira ang mga “bagyong” tila hindi natin makakayanan, ngunit makatitiyak tayong darating ang mga ito. Darating ang mga ito at madarama nating hindi natin kaya.
Kung hindi sana nataranta ang mga Apostol at hinayaan nilang matulog si Jesus, maaaring kinailangan nilang tiisin ang bagyo nang kaunti pang mas matagal. Ngunit sa kalaunan ay huhupa rin ito at magiging payapa ang lahat.
Sa Kanyang dakilang habag, malugod na tinatanggap ni Jesus ang ating pagdaing sa Kanya sa oras ng pangangailangan, tulad ng ginawa ng mga Apostol sa bangka. Malugod Niyang tinatanggap ang paglapit natin sa Kanya sa ating takot at paghingi ng Kanyang tulong. Kapag ginawa natin ito, naroon Siya para sa atin, tulad ng isang magulang para sa anak na nagigising sa gabi dahil sa takot. Ngunit ang pinakamainam ay harapin natin ang bagyo nang may pagtitiwala at pag-asa. Ang pinakamainam ay malaman nating lilipas din ito at kailangan lamang nating magtiwala at manatiling matatag. Tila ito ang pinakamainam na aral na maaari nating matutuhan sa kuwentong ito.
Pagnilayan mo ngayon kung paano ka tumutugon sa mga paghihirap at suliranin sa iyong buhay. Malaki man o maliit ang mga ito, hinaharap mo ba ang mga ito nang may pagtitiwala, kapanatagan, at pag-asang nais ni Jesus na taglayin mo? Napakaikli ng buhay upang mapuno ito ng matinding takot. Magtiwala sa Panginoon anuman ang hinaharap mo sa bawat araw. Kung tila natutulog Siya, hayaan Siyang manatiling natutulog. Alam Niya ang Kanyang ginagawa at makatitiyak kang hindi Niya kailanman hahayaang magtiis ka nang higit sa iyong makakaya.
Lord, whatever may come my way I trust You. I know You are always there and will never give me more than I can handle. Jesus, I do trust in You.
Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo
Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos
Saint of the Day – First Martyrs of the Church of Rome
Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa




