Tagalog

Ang Halaga ng Ebanghelyo

July 9, 2020
Thursday of the Fourteenth Week of Ordinary Time
Readings for Today

San Agustin Zhao Rong at mga Kasama, mga Martir—Paggunita na Maaaring Ipagdiwang

Peter Paul Rubens [Public domain], mula sa Wikimedia Commons

Tinanggap ninyo nang walang bayad; magbigay rin kayo nang walang bayad.  Matthew 10:8b

Ano ang halaga ng Ebanghelyo?  Maaari ba natin itong lagyan ng presyo?  Kapansin-pansin na dapat natin itong lagyan ng dalawang presyo.  Ang una ay kung magkano ang dapat nating ibayad upang tanggapin ito.  Ang ikalawa ay kung magkano ang ating “sisingilin,” wika nga, upang ibahagi ang Ebanghelyo.

Kaya magkano ang dapat nating ibayad para sa Ebanghelyo?  Ang sagot ay walang hanggan ang halaga nito.  Kung salapi ang pag-uusapan, hindi natin ito kailanman kayang bilhin.  Walang katumbas na salapi ang Ebanghelyo.

Tungkol naman sa kung magkano ang dapat nating “singilin” upang ibahagi ang Ebanghelyo sa iba, ang sagot ay wala itong bayad.  Wala tayong karapatang maningil o umasa ng anumang kapalit sa pagbibigay ng isang bagay na hindi natin pag-aari.  Ang mapagligtas na mensahe ng Ebanghelyo ay kay Kristo, at iniaalok Niya ito nang walang bayad.

Magsimula tayo sa ikalawang bahagi ng sipi sa Banal na Kasulatan sa itaas.  “Magbigay rin kayo nang walang bayad.”  Sinasabi nito sa atin na dapat nating ialok ang Ebanghelyo sa iba nang walang bayad.  Ngunit ang kusang pagbabahaging ito ng Ebanghelyo ay may kaakibat na isang tila nakatagong hinihingi.  Ang pagbabahagi ng Ebanghelyo ay nangangailangan ng pagbibigay ng ating sarili.  At nangangahulugan ito na dapat nating ibigay ang ating sarili nang walang hinihinging kapalit.  Ano ang batayan ng pagbibigay ng ating buong sarili nang walang kapalit?  Ang batayan ay sapagkat tayo ay tumanggap ng lahat “nang walang bayad.”  

Ang payak na katotohanan ay ito: ang Ebanghelyo ay tungkol sa isang ganap at walang bayad na kaloob sa atin na humihingi naman ng ganap at walang kapalit na pagkakaloob ng ating sarili sa iba.  Ang Ebanghelyo ay isang persona, si Hesukristo.  At kapag Siya ay kusang dumarating at nananahan sa atin, dapat din tayong maging isang ganap na kaloob sa iba, nang walang hinihinging kapalit.

Pagnilayan ngayon ang iyong lubos na pagiging bukas sa pagtanggap ng Ebanghelyo, gayundin ang iyong lubos na kahandaang magbigay.  Nawa ang iyong pag-unawa at pagtanggap sa maluwalhating kaloob na ito ng Diyos ay magpanibago sa iyo upang ikaw ay maging kaloob para sa iba.

Lord, may my heart be open to You in a total way so that I may receive You as the Living Gospel.  As I receive You, may I in turn give You to others in my very person.  Jesus, I trust in You.

Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo

Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos

Lahat ng mga Santo/Kapistahan

Santo ng Araw – San Agustin Zhao Rong at mga Kasama, mga Martir

Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa

Image: Christ surrending the keys to St. Peter by Peter Paul Rubens


BAGO!

Thoughts on Aging:
From an Aging Priest

365 short, faith-based thoughts on aging that you can ponder each day of the year throughout the day!