July 10, 2020
Friday of the Fourteenth Week of Ordinary Time
Readings for Today

Sinabi ni Hesus sa Kanyang mga Apostol: “Narito, isinusugo Ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga lobo; kaya maging matalino kayo gaya ng mga ahas at walang malay gaya ng mga kalapati. Ngunit mag-ingat kayo sa mga tao, sapagkat ihaharap nila kayo sa mga hukuman at hahagupitin sa kanilang mga sinagoga, at dadalhin kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa Akin, upang magpatotoo sa kanila at sa mga pagano.” Matthew 10:16-18
Isipin mong isa kang tagasunod ni Hesus noong panahong nangangaral Siya. Isipin ang matinding pananabik ng mga tao tungkol sa Kanya at ang kanilang malaking pag-asang Siya ang magiging bagong Hari at Siya ang Mesiyas. Tiyak na punô sila ng pag-asa at pananabik sa mga darating.
Ngunit biglang ibinigay ni Hesus ang pangaral na ito. Sinabi Niyang ang Kanyang mga tagasunod ay uusigin at hahagupitin, at ang pag-uusig na ito ay mangyayari nang paulit-ulit. Tiyak na napahinto ang Kanyang mga tagasunod, taimtim na nagtanong kay Hesus, at napaisip kung sulit bang sumunod sa Kanya.
Patuloy na nagaganap ang pag-uusig sa mga Kristiyano sa paglipas ng mga panahon. Nangyari ito sa bawat panahon at sa bawat kultura. Nagpapatuloy pa rin ito ngayon. Kaya ano ang gagawin natin tungkol dito? Paano tayo tutugon?
Maraming Kristiyano ang maaaring mahulog sa bitag ng pag-iisip na ang Kristiyanismo ay tungkol lamang sa “pakikisama.” Madaling maniwala na kung tayo ay mapagmahal at mabait, mamahalin din tayo ng lahat. Ngunit hindi iyon ang sinabi ni Hesus.
Nilinaw ni Hesus na magiging bahagi ng buhay ng Simbahan ang pag-uusig at hindi tayo dapat magtaka kapag nangyari ito sa atin. Hindi tayo dapat magtaka kapag niyurakan tayo at ginawan ng masama ng mga tao sa ating lipunan. Kapag nangyari ito, madali tayong mawalan ng pananampalataya at panghinaan ng loob. Maaari tayong masiraan ng loob at magnanais na ilihim na lamang ang ating pagsasabuhay ng pananampalataya. Mahirap isabuhay nang hayagan ang ating pananampalataya kung alam nating hindi ito gusto at hindi ito tatanggapin ng ating kultura at ng mundo.
Nasa paligid natin ang mga halimbawa nito. Kailangan lamang nating basahin ang mga sekular na balita upang mabatid ang lumalaking pagkapoot sa pananampalatayang Kristiyano. Dahil dito, higit kailanman, kailangan nating pakinggan at sundin ang mga salita ni Hesus ngayon. Kailangan nating isaisip ang Kanyang babala at umasa sa Kanyang pangako na sasamahan Niya tayo at ibibigay Niya sa atin ang mga salitang sasabihin kapag kailangan natin. Higit sa lahat, tinatawag tayo ng talatang ito na umasa at magtiwala sa ating mapagmahal na Diyos.
Pagnilayan ngayon kung gaano ka kahanda at kusang-loob na humarap sa pagkapoot ng mundo. Hindi mo dapat tugunan ito ng gayunding pagkapoot. Sa halip, sikapin mong magkaroon ng tapang at lakas upang matiis ang anuman at bawat pag-uusig sa tulong, lakas, at karunungan ni Kristo.
Lord, give me strength, courage and wisdom as I live my faith in a world hostile to You. May I respond with love and mercy in the face of harshness and misunderstanding. Jesus, I trust in You.
Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo
Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos
Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa
Image: Sermon on the Mount by Henrik Olrik




