November 27, 2020
Friday of the Thirty-Fourth Week in Ordinary Time
Readings for Today

“…tandaan ninyong malapit na ang Kaharian ng Diyos.” Luke 21:31b
Ito ang hinihiling natin sa tuwing dinarasal natin ang “Ama Namin.” Ipinapanalangin natin, “Mapasaamin ang Kaharian Mo.” Taos-puso ba ito kapag ipinapanalangin mo?
Sa talatang ito ng Ebanghelyo, sinasabi ni Hesus na malapit na ang Kaharian ng Diyos. Malapit na ito, ngunit madalas ay napakalayo rin nito. Malapit ito sa dalawang diwa. Una, malapit ito sapagkat magbabalik si Hesus taglay ang Kanyang buong karingalan at kaluwalhatian at gagawing bago ang lahat ng bagay. Sa gayon, maitatatag ang Kanyang walang hanggang Kaharian.
Ikalawa, malapit ang Kanyang Kaharian sapagkat isang panalangin lamang ang kailangan upang mapasa atin ito. Minimithi ni Hesus na dumating upang itatag ang Kanyang Kaharian sa ating mga puso, kung papapasukin lamang natin Siya. Sa kasamaang-palad, madalas ay hindi natin Siya pinapapasok. Madalas natin Siyang inilalayo sa atin at pabago-bago ang ating isip at puso kung lubusan ba tayong susunod sa Kanyang banal at ganap na kalooban. Napakadalas nating mag-atubiling lubos Siyang tanggapin at hayaang maitatag ang Kanyang Kaharian sa ating kalooban.
Nauunawaan mo ba kung gaano kalapit ang Kanyang Kaharian? Nauunawaan mo bang isang panalangin at isang kusang pagpapasya mo lamang ang kailangan? Kayang lumapit sa atin ni Hesus at pamahalaan ang ating buhay kung hahayaan lamang natin Siya. Siya ang Haring makapangyarihan sa lahat na kayang gawin tayong isang bagong nilalang. Kaya Niyang maghatid ng ganap na kapayapaan at pagkakaisa sa ating kaluluwa. Kaya Niyang gumawa ng mga dakila at magagandang bagay sa ating mga puso. Kailangan lamang nating sabihin ito nang taos-puso, at darating Siya.
Pagnilayan mo ngayon ang pagnanais ng puso ni Hesus na lumapit sa iyo at itatag ang Kanyang Kaharian sa iyong buhay. Minimithi Niyang maging iyong Pinuno at Hari at pamahalaan ang iyong kaluluwa sa ganap na pagkakaisa at pag-ibig. Hayaan Siyang dumating at itatag ang Kanyang Kaharian sa iyong kalooban.
Lord, I invite You to come and take possession of my soul. I choose You as my Lord and my God. I give up control of my life and freely choose You as my God and divine King. Jesus, I trust in You.
Tingnan ang aming mga sanggunian para sa Adbiyento!
Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo
Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos
Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa
Featured image above: Mosaic (Jesus) from Hagia Sophia




