Saturday, December 22, 2018
Saturday of the Third Week in Advent

“My soul proclaims the greatness of the Lord; my spirit rejoices in God my savior. For he has looked upon his lowly servant. From this day all generations will call me blessed: the Almighty has done great things for me, and holy is his Name.” Luke 1:46-49
Inihahayag ng awit na ito ang kagalakan sa puso ng Ina ng Diyos. Mapagpakumbaba niyang kinikilala ang mga dakilang bagay na ginawa ng Diyos para sa kanya at ipinapahayag ang kanyang pinakamalalim na kagalakan.
Kapansin-pansing kapwa binabanggit ang kanyang “kaluluwa” at ang kanyang “espiritu” sa awit na ito ng papuri. Ang kanyang kaluluwa ay “nagpapahayag” at ang kanyang espiritu ay “nagagalak.” Ano ang inihahayag nito?
Sa isang banda, inihahayag nito kapwa ang kanyang sariling pagkilos at ang pagkilos ng Diyos. Ang “kaluluwa” ng ating Mahal na Ina ay tumutukoy sa lahat ng kanyang kakayahan bilang tao—sa kanyang isip, kalooban, mga damdamin at mga hangarin. Ito ang bumubuo sa kanyang pagkatao. At sa pamamagitan ng mga kakayahang iyon bilang tao, ipinahahayag niya ang kadakilaan ng Diyos. Sa madaling salita, sa kanyang isip ay nauunawaan niya ang kadakilaan ng Diyos, sa kanyang kalooban ay kinikilala niya at pinipiling ipahayag ang Kanyang kadakilaan, at ginagawa niya ito nang buong damdamin at hangarin. Ang kanyang buong pagkatao ay napuspos ng kadakilaan ng Diyos!
Inihahayag din nito na sa kanyang “espiritu,” napuspos siya ng maluwalhating kaloob ng kagalakan. Habang ipinahahayag niya ang kadakilaan ng Diyos, lubos siyang pinuspos ng Espiritu Santo at pinasibol sa kanya ang bungang espirituwal na ito. Ang kagalakan ay nagmumula sa Diyos na aktibong kumikilos sa ating buhay. Ito ay bunga ng Espiritu Santo, at taglay ng ating Mahal na Ina ang kaloob na ito sa buong kapuspusan nito.
Pagnilayan ngayon ang iyong sariling kaluluwa at espiritu. Tinutularan mo ba ang ganap na halimbawa ng ating Mahal na Ina sa kanyang pagsisikap na kilalanin, mahalin at ipahayag ang kadakilaan ng Diyos nang buong pagkatao? At hinahayaan mo bang puspusin ng Espiritu Santo ang iyong espiritu ng kagalakan? Hilingin sa ating Mahal na Ina na ipanalangin ka habang papalapit tayo sa Pasko. Hingin ang biyayang “magpahayag” at “magalak” na kasama niya sa nalalapit na pagdiriwang ng pagsilang ng kanyang Banal na Anak upang ikaw rin ay makaawit ng kanyang awit ng papuri!
Dearest Mother, you offer us the perfect example of how to live as a faithful and humble servant of the Most High God. You proclaimed His greatness with your whole being and were filled with joy at His coming. Help me, by your powerful intercession, to imitate your faith and to love God with my whole being. Mother Mary, pray for me. Jesus, I trust in You.



