Tagalog

Simeon’s Prophecy

Saturday, December 29, 2018

Fifth Day in the Octave of Christmas

Mga Pagbasa Ngayon

Saint Thomas Becket, Bishop and Martyr – Optional Memorial

“Lord, now let your servant go in peace; your word has been fulfilled: my own eyes have seen the salvation which you prepared in the sight of every people, a light to reveal you to the nations and the glory of your people Israel.”  Luke 2:29-32

Sa ikalimang araw na ito sa Oktaba ng Pasko, inihahain sa atin ang patotoo ng propetang si Simeon.  Ipinangako ng Diyos sa banal na lalaking ito, sa pamamagitan ng isang personal na pahayag, na makikita niya mismo, ng sarili niyang mga mata, ang Tagapagligtas ng Sanlibutan.  Sa buong buhay niya, inaabangan niya ang sandaling ito.  Pinananabikan niya ito at inaasam.  At isang araw, dumating ang sandaling iyon.  Nagising si Simeon nang araw na iyon at ginampanan ang kaniyang mga karaniwang gawain tulad sa ibang araw.  Ngunit nang dalhin nina Maria at Jose ang kanilang bagong silang na Sanggol sa templo, batid ni Simeon sa kaniyang puso na ang Sanggol na ito ang ipinangakong Tagapagligtas.

Makapangyarihan ang kaniyang mga salita.  Sinabi niya, “Panginoon, maaari Mo nang pahintulutang yumaon nang payapa ang Iyong lingkod…sapagkat nakita ng aking mga mata ang kaligtasang inihanda Mo…”  Sa madaling salita, napagtanto ni Simeon na ganap na ang kaniyang buhay.  Handa na siyang mamatay sapagkat ipinagkaloob na sa kaniya ang pribilehiyong makita mismo ang Kristo.  Kinalong niya si Hesus at niluwalhati ang Ama dahil sa sandaling ito.

Dapat nating pagsikapang matuto mula sa banal na si Simeon.  Hindi nga tayo isang propeta sa Templo mga 2,000 taon na ang nakalilipas, ngunit may pribilehiyo tayong makita ang Kristo araw-araw sa maraming paraan.  Tunay na Diyos ang Sanggol na kinalong ni Simeon.  Ngunit Siya ay Diyos na natatabingan ng katawang-tao ng isang munting Sanggol.  Gayunman, nakilala ni Simeon kung sino talaga Siya at nagalak.

We must strive to perceive the presence of the Savior all around us and rejoice with Simeon’s joy.  Christ is present in every heart that is given to God, every Sacrament of the Church, every reading of the Holy Scripture, and He is especially present to us within our hearts.  Our hearts must be that temple in which we discover the presence of the Christ Child and we must take Him into our lives rejoicing in how close He is. 

Pagnilayan mo ngayon ang tagpong iyon ng pagkalong ni Simeon sa Sanggol at pagkakita sa Tagapagligtas na natatabingan ng laman at mga buto ng Sanggol na ito.  Hanapin mo si Kristo tulad ng ginawa ni Simeon at pagnilayan ang maraming paraan ng Kaniyang pagiging naroroon para sa iyo.  Alamin mong malapit Siya at nais Niyang punuin ang iyong buhay ng Kaniyang kapayapaan.

Lord, I thank You for the great witness of Simeon the Prophet.  Thank You for Your fidelity to Simeon in letting him see You as a little Child.  May I always imitate his great faith and seek You all my life, waiting for You to come to me in veiled ways so that my heart may rejoice in Your presence.  Jesus, I trust in You.

Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo

Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos

Tingnan din: Ang Tabak ng Dalamhati

Kristo, Kandila ng Pag-asa

Panalangin sa Pasko