Saturday, July 27, 2019
Saturday of the Sixteenth Week in Ordinary Time

“Let them grow together until harvest; then at harvest time I will say to the harvesters, ‘First collect the weeds and tie them in bundles for burning; but gather the wheat into my barn.’” Matthew 13:30
Dapat na malinaw sa mga tumitingin nang may pananampalataya ang kasamaan sa paligid natin. Kailangan lamang nating ihambing ang lahat ng ipinahayag sa atin ng ating Panginoon sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan at ng Simbahan sa iba’t ibang pinahahalagahan at pananaw ng mundo. Kapag ginawa natin ito, mapapansin natin ang napakalaking pagkakaiba ng mga ito.
Kung gagamitin natin ang larawan sa talinghagang ito, maihahalintulad ito sa magsasakang lumalabas upang tingnan ang kaniyang tanim na trigo. Habang ginagawa niya ito, nakikita niya ang mga damong nakahalo sa trigo. Bagaman nakikita niyang magkasamang tumutubo ang mga ito, alam din niyang hindi niya maaalis ang mga damo nang hindi nabubunot ang trigo. Kaya sa halip na mabahala sa pagtubo ng mga damo, itinutuon niya ang kaniyang paningin sa panahon ng anihan, kung kailan titipunin ang trigo para sa kabutihan at ang mga damo naman ay titipunin at susunugin.
Gayon din dapat sa ating buhay. Madali tayong matutuksong mawalan ng pag-asa kung itutuon lamang natin ang ating pansin sa kasamaan sa ating mundo. Hindi natin ito dapat ipagwalang-bahala, ngunit hindi rin tayo dapat labis na mabahala rito. Magagawa lamang natin ito kung, tulad ng magsasaka, pananatilihin nating nakatuon ang ating paningin sa “panahon ng anihan.” Ang dakilang anihang hinihintay natin ay ang sandali ng katarungan ng Diyos, kung kailan itutuwid Niya ang bawat kamalian at ihihiwalay ang mabuti sa masama. Maghahari ang katarungan sa huli, kahit hindi pa ito malinaw na nakikita sa kasalukuyan.
Pagnilayan mo ngayon kung paano ka naaapektuhan ng mga kasamaan sa ating mundo. Marahil ay pinanghihinaan ka ng loob dahil sa walang tigil na pagdaloy ng masasamang balita sa midya. O marahil ay nakararanas ka ng iba’t ibang kasamaang ginagawa ng ibang tao sa iyong pang-araw-araw na buhay. Anuman ang iyong kalagayan, huwag kang masindak o matisod sa pananampalataya dahil sa mga pagsalakay ng Masama. Panatilihing nakatuon ang iyong paningin sa ating Panginoon at lubos na magtiwala sa Kaniyang banal na katarungang darating.
Lord, I trust in Your promise of fidelity in all things. As I see and experience various evils in this world, help me to never fall into their trap or lure. Free me from doubt and despair and give me perfect hope in Your promise of justice and mercy. Jesus, I trust in You.
Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo
Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos




