Tagalog

Pagpapanibago sa Lahat ng Bagay

January 20, 2020
Monday of the Second Week of Ordinary Time
Readings for Today

San Fabian, Papa at Martir

San Sebastian, Martir—Paggunita na Di-sapilitan

Walang nagtatagpi ng telang hindi pa umuurong sa isang lumang balabal. Kapag ginawa niya ito, hihilahin ng bagong tagpi ang lumang tela, at lalong lalaki ang punit. Mark 2:21

Narinig na nating lahat ang paghahambing na ito ni Hesus. Isa ito sa mga pahayag na madali nating marinig at pagkatapos ay palampasin nang hindi nauunawaan. Nauunawaan mo ba ang kahulugan nito?

Sinusundan ang paghahambing na ito ng isa pa tungkol sa pagbubuhos ng bagong alak sa mga lumang sisidlang balat. Sinasabi ni Hesus na walang gumagawa nito dahil puputok ang mga lumang sisidlang balat. Kaya naman, ang bagong alak ay ibinubuhos sa mga bagong sisidlang balat.

Iisang espirituwal na katotohanan ang ipinahahayag ng dalawang paghahambing na ito. Ipinakikita ng mga ito na kung nais nating tanggapin ang Kanyang bago at nagpapabagong mensahe ng Ebanghelyo, kailangan muna tayong maging mga bagong nilikha. Hindi kayang maglaman ng ating dating makasalanang buhay ng bagong kaloob ng biyaya. Kaya naman, upang lubos na matanggap ang mensahe ni Hesus, kailangan muna tayong likhaing muli.

Alalahanin ang sinasabi sa Banal na Kasulatan: “Ang mayroon ay bibigyan pa; ang wala naman, maging ang nasa kanya ay kukunin pa” (Mark 4:25). Itinuturo nito ang isang katulad na mensahe. Kapag napupuno tayo ng bagong sigla ng biyaya, lalo pa tayong pinagkakalooban ng biyaya.

What is that “new wine” and “new patch” that Jesus desires to give you?  If you are willing to let your life be made new, you will discover that more will be poured upon you as you receive more.  Abundance will be given when abundance has already been received.  It’s as if someone won the lotto and decided to give it all away to the wealthiest person he can find.  This is how grace works.  But the good news is that God desires that all of us be rich in abundance.

Pagnilayan mo ngayon ang aral na ito ni Hesus. Alamin mong nais Niyang ibuhos ang masaganang biyaya sa iyong buhay kung handa kang hayaang likhain ka munang muli.

Lord, I desire to be made anew.  I desire to live a new life in grace so that even more grace can be lavished upon me through Your sacred words.  Help me, dear Lord, to embrace the life of abundance that You have in store for me.  Jesus, I trust in You.

Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo

Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos

Mga Santo/Kapistahan Ngayon