Tagalog

Pagkapit kay Hesus

April 14, 2020
Tuesday of the Octave of Easter
Readings for Today

Sinabi sa kanya ni Hesus, “Babae, bakit ka umiiyak? Sino ang hinahanap mo?” Inakala niyang iyon ang hardinero at sinabi niya rito, “Ginoo, kung ikaw ang nagdala sa kanya, sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay, at kukunin ko siya. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Maria!” Lumingon siya at sinabi sa Kanya sa wikang Hebreo, “Rabbouni,” na ang ibig sabihin ay Guro. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Huwag ka nang kumapit sa Akin, sapagkat hindi pa Ako umaakyat sa Ama.” John 20:15–17

Nasa labas ng libingan ni Hesus si Maria Magdalena at umiiyak dahil hindi niya alam kung ano ang nangyari sa Kanyang banal na katawan. Sa gitna ng kanyang pagdadalamhati, biglang nagpakita sa kanya si Hesus, at sa tindi ng kanyang damdamin ay napabulalas siya, “Rabbouni!” Sinabi sa kanya ni Hesus na huwag na siyang kumapit sa Kanya. Bakit kaya ito sinabi ni Hesus? Ano ang ibig Niyang sabihin?

Gaya ng maiisip natin, napakatindi ng damdamin ni Maria sa sandaling iyon. Naroon siya at nasaksihan niya ang buong Pagpapako sa Krus. Kilalang-kilala niya si Hesus at mahal na mahal niya Siya. Nasaksihan niya ang Kanyang pagkamatay at ngayon, sa isang iglap, buhay si Hesus at nasa kanyang harapan. Tiyak na nag-uumapaw ang kanyang damdamin.

Hindi pinupuna ni Hesus si Maria nang sabihin Niyang huwag itong kumapit sa Kanya. Sa katunayan, binibigyan Niya siya ng magandang payo at gabay sa kanyang espirituwal na paglalakbay at sa kanyang ugnayan sa Kanya. Ipinahihiwatig Niya na magbabago at lalalim na ang kanilang ugnayan. Sinabi Niya kay Maria na huwag kumapit sa Kanya dahil “hindi pa Siya umaakyat sa Ama.” Sa sandaling iyon, ang ugnayan ni Maria kay Hesus ay pangunahin pa ring nasa antas ng pagkatao. Matagal niya Siyang nakasama, naranasan ang Kanyang pisikal na presensiya, at minahal Siya ng kanyang pusong pantao. Ngunit higit pa rito ang nais ni Hesus. Nais Niyang mahalin Siya ni Maria, at nating lahat, sa isang banal na paraan. Malapit na Siyang umakyat sa Ama, at mula sa Kanyang trono sa langit ay maaari Siyang bumaba upang magsimula ng bagong ugnayan kay Maria, at sa ating lahat, na lubhang higit sa isang ugnayang nasa antas lamang ng pagkatao. Mula sa Kanyang trono sa Langit, maaari na Siyang pumasok sa kaluluwa ni Maria. Maaari Siyang pumasok sa isang bago at higit na malalim na pakikipag-isa sa kanya at sa ating lahat. Maaari Siyang manahan sa atin at tayo sa Kanya. Maaari Siyang maging kaisa natin.

Sa pagbitaw sa higit na makatao at emosyonal na mga aspeto ng kanyang ugnayan kay Hesus, malapit nang makakapit si Maria sa Kanya sa paraang hindi niya magagawa sa pamamagitan lamang ng kanyang pakikitungo sa Kanya bilang tao. Ito ang banal na pag-iisang-dibdib, ang banal na pakikipag-isa na siyang panawagan sa ating lahat.

Pagnilayan mo ngayon ang sarili mong pagkapit kay Hesus. Siya ngayon ay ganap nang muling nabuhay at umakyat sa langit, kaya maaari nating maranasan ang buong bunga ng Muling Pagkabuhay. Kasama ni Maria, maaari na tayong kumapit sa Kanya sa kaibuturan ng ating mga kaluluwa, sapagkat Siya ang unang kumakapit sa atin.

Lord, may I cling to You as You cling to me.  May my heart, mind and soul be Yours.  Come live in me so that I may live in You.  I give my life to You, dear Lord, help me to offer You all that I am.  Jesus, I trust in You.

Higit pa para sa Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ikalimang Araw: Nobena bilang paghahanda sa Linggo ng Banal na Awa

Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo

Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos

Pagninilay sa panalangin para sa Pasko ng Pagkabuhay

Rosaryo – Mga Misteryo ng Luwalhati (may mga sipi mula sa Banal na Kasulatan)

Litanya ng Banal na Awa ni Santa Faustina

Pagtitiwala sa Banal na Awa

Panalangin para sa Taon ng Awa

Koronilya sa Banal na Awa

Mga Santo/Kapistahan Ngayon

Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa



Daily Reflections on Divine Mercy:
365 Days with Saint Faustina