August 25, 2020
Tuesday of the Twenty-First Week of Ordinary Time
Readings for Today
San Luis, Hari—Opsiyonal na Paggunita
San Jose de Calasanz, Pari—Opsiyonal na Paggunita

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari. Nililinis ninyo ang labas ng kopa at pinggan, ngunit ang loob ay puno ng pandarambong at pagpapalayaw sa sarili. Bulag na Pariseo, linisin mo muna ang loob ng kopa upang maging malinis din ang labas nito.” Mateo 23:25-26
Bagaman tila mabagsik ang tahasang mga pananalitang ito ni Hesus, ang mga ito ay tunay na mga salita ng awa. Mga salita ito ng awa sapagkat ginagawa ni Hesus ang lahat upang tulungan ang mga Pariseo na maunawaang kailangan nilang magsisi at linisin ang kanilang mga puso. Bagaman maaaring unang tumimo sa atin ang pananalitang “Sa aba ninyo,” ang tunay na mensaheng dapat nating marinig ay “linisin muna ang loob.”
Ipinapakita ng talatang ito na maaaring nasa isa tayo sa dalawang kalagayan. Una, maaaring ang kalooban ng isang tao ay puno ng “pandarambong at pagpapalayaw sa sarili” samantalang sa panlabas ay mukha siyang malinis at banal. Ito ang suliranin ng mga Pariseo. Labis nilang pinagkaabalahan ang kanilang panlabas na anyo ngunit kakaunti ang kanilang malasakit sa kalooban. Isa itong suliranin.
Ikalawa, ipinapakita ng mga salita ni Hesus na ang pinakamainam ay magsimula sa paglilinis ng kalooban. Kapag nangyari iyon, magiging malinis at maningning din ang panlabas. Isipin ang taong nasa ikalawang kalagayang ito, ang taong unang nalinis ang kalooban. Ang taong ito ay nagbibigay ng inspirasyon at may magandang kaluluwa. At ang maganda rito ay kapag tunay na nalinis at nadalisay ang puso ng isang tao, hindi maaaring manatili lamang sa loob ang kagandahang ito ng kalooban. Tiyak itong magniningning at mapapansin ng iba.
Pagnilayan ngayon kung gaano kadaling makita ang ningning ng kagandahan ng iyong panloob na buhay. Nakikita ba ito ng iba? Nagniningning ba ang iyong puso? Nagniningning ka ba? Kung hindi, marahil kailangan mo ring marinig ang mga salitang ito na sinabi ni Hesus sa mga Pariseo. Maaaring kailangan mo ring mapagsabihan nang may pagmamahal at awa upang mahikayat kang papasukin si Hesus sa iyong puso at hayaan Siyang kumilos upang lubusan kang linisin.
Lord, please do come into my heart and cleanse me thoroughly. Purify me and allow that purity and holiness to shine forth exteriorly in a radiant way. Jesus, I trust in You.
Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo
Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos
Mga Santo sa Araw na Ito –
Saint Louis, King
Also
Saint Joseph of Calasanz, Priest
Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa
Image: Curses Against the Pharisees by James Tissot




