Tagalog

The Key to Knowledge

October 15, 2020
Thursday of the Twenty-Eighth Week in Ordinary Time
Readings for Today

Santa Teresa de Jesus, Dalaga at Pantas ng Simbahan—Paggunita

“Sa aba ninyo, mga dalubhasa sa Kautusan! Inalis ninyo ang susi ng kaalaman. Kayo mismo ay hindi pumasok, at hinadlangan ninyo ang mga nagsisikap na pumasok.”  Lucas 11:52

Sa Ebanghelyo ngayon, patuloy na sinasaway ni Hesus ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa Kautusan.  Sa talata sa itaas, sinasaway Niya sila sapagkat “inalis nila ang susi ng kaalaman” at sadyang sinikap na hadlangan ang iba sa pagkakamit ng kaalamang nais ng Diyos na mapasakanila.  Mabigat ang paratang na ito at ipinakikita nitong sadyang pinipinsala ng mga Pariseo at ng mga dalubhasa sa Kautusan ang pananampalataya ng bayan ng Diyos.

Gaya ng nakita natin sa Banal na Kasulatan nitong mga nakaraang araw, mahigpit na pinagsabihan ni Hesus ang mga dalubhasa sa Kautusan at ang mga Pariseo dahil dito.  At ang Kanyang pagsaway ay hindi lamang para sa kanilang kapakanan, kundi para rin sa atin, upang malaman nating hindi dapat sumunod sa mga bulaang propetang tulad nila at sa lahat ng ang tanging iniisip ay ang kanilang sarili at reputasyon sa halip na ang katotohanan.

Ang talatang ito sa Ebanghelyo ay hindi lamang paghatol sa kasalanang ito; higit sa lahat, inilalahad nito ang isang malalim at magandang konsepto.  Ito ang konsepto ng “susi ng kaalaman.”  Ano ang susi ng kaalaman?  Ang susi ng kaalaman ay pananampalataya, at ang pananampalataya ay matatamo lamang sa pakikinig sa tinig ng Diyos.  Ang susi sa kaalaman ay ang hayaan ang Diyos na mangusap sa iyo at ihayag sa iyo ang Kanyang pinakamalalalim at pinakamagagandang katotohanan.  Ang mga katotohanang ito ay matatanggap at mapaniniwalaan lamang sa pamamagitan ng panalangin at tuwirang pakikipag-ugnayan sa Diyos.  

Ang mga banal ang pinakamahuhusay na halimbawa ng mga nakapasok sa malalalim na misteryo ng buhay ng Diyos.  Sa pamamagitan ng kanilang buhay ng panalangin at pananampalataya, nakilala nila ang Diyos nang malalim.  Marami sa mga dakilang banal na ito ang nag-iwan sa atin ng magagandang akda at makapangyarihang patotoo sa mga nakatago ngunit inihayag na misteryo ng panloob na buhay ng Diyos.

Pagnilayan ngayon kung ginamit mo na ang “susi ng kaalaman” at nabuksan ang mga misteryo ng Diyos sa pamamagitan ng iyong buhay ng pananampalataya at panalangin.  Muling italaga ang iyong sarili sa paghahanap sa Diyos sa iyong araw-araw na personal na panalangin at sa paghahanap sa lahat ng nais Niyang ihayag sa iyo.

Lord, help me to seek You through a life of daily prayer.  In that life of prayer, draw me into a deep relationship with You, revealing to me all that You are and all that life is about.  Jesus, I trust in You.

NEW! October is the ideal time of year to being Probing the Depths, a year-long approach to The Spiritual Exercises of Saint Ignatius!

Probing the Depths

Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo

Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos

Lahat ng mga Santo/Kapistahan

Santo ng Araw – Santa Teresa ni Jesus, Dalaga at Pantas ng Simbahan

Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa

Image: Jerusalem Jerusalem by James Tissot