Tagalog

Ang Pagbibigay-pansin ng Diyos

October 16, 2020
Friday of the Twenty-Eighth Week in Ordinary Time
Readings for Today

Santa Eduviges, Relihiyosa—Paggunita na Maaaring Ipagdiwang

Santa Margarita Maria Alacoque, Birhen—Paggunita na Maaaring Ipagdiwang

“Hindi ba ipinagbibili ang limang maya sa halagang dalawang maliliit na barya? Gayunman, wala ni isa sa kanila ang hindi napapansin ng Diyos. Maging ang mga buhok sa inyong ulo ay bilang na lahat. Huwag kayong matakot. Higit kayong mahalaga kaysa sa maraming maya.”  Luke 12:6-7

“Huwag kayong matakot.”  Madalas ulitin ang mga salitang ito sa Banal na Kasulatan.  Sa talatang ito, sinasabi ni Jesus na hindi tayo dapat matakot sapagkat binibigyang-pansin ng Ama sa Langit ang bawat kaliit-liitang detalye ng ating buhay.  Walang nakalilingid sa Diyos.  Kung binibigyang-pansin ng Diyos ang mga maya, lalo pa Niya tayong binibigyang-pansin.  Dapat itong magdulot sa atin ng kapayapaan at pagtitiwala.

Siyempre, isang dahilan kung bakit mahirap pa ring paniwalaan ito ay dahil maraming pagkakataong tila napakalayo ng Diyos at hindi Niya pinapansin ang ating buhay.  Mahalagang tandaan na tuwing ganito ang ating nadarama, damdamin lamang ito at hindi ang katotohanan.  Ang katotohanan ay walang-hanggang higit ang pagbibigay-pansin ng Diyos sa mga detalye ng ating buhay kaysa sa kaya nating maunawaan.  Sa katunayan, higit na higit Niya tayong binibigyang-pansin kaysa sa pagbibigay-pansin natin sa ating sarili!  At hindi lamang Niya binibigyang-pansin ang bawat detalye, lubos din Niya itong pinagmamalasakitan.

Kung gayon, bakit may mga pagkakataong tila malayo ang Diyos?  Maaaring maraming dahilan para rito, ngunit dapat tayong makatiyak na laging may dahilan.  Marahil ay hindi tayo nakikinig sa Kanya at hindi nananalangin gaya ng nararapat, kaya hindi natin napapansin ang Kanyang pagbibigay-pansin at paggabay.  Marahil ay pinili Niyang manatiling tahimik tungkol sa isang bagay upang higit tayong mapalapit sa Kanya.  Marahil ang Kanyang katahimikan ay isa palang napakalinaw na tanda ng Kanyang presensiya at ng Kanyang kalooban.  

Pagnilayan mo ngayon na anuman ang ating maramdaman kung minsan, dapat tayong makatiyak sa katotohanan ng talata sa itaas.  “Higit kayong mahalaga kaysa sa maraming maya.”  Maging ang mga buhok sa iyong ulo ay binilang na ng Diyos.  At ang bawat bahagi ng iyong buhay ay ganap na hayag sa Kanya.  Hayaan mong maghatid sa iyo ng kaaliwan at pag-asa ang mga katotohanang ito, sa pagkaalam na ang Diyos na ito na nagbibigay-pansin sa iyo ay Diyos din ng ganap na pag-ibig at awa, at ipagkakaloob Niya sa iyo ang lahat ng kailangan mo sa buhay.

Lord, I know You love me and are aware of every feeling, thought and experience I have in life.  You are aware of every problem and concern I have.  Help me to continually turn to You in all things knowing of Your perfect love and guidance.  Jesus, I trust in You.

NEW! October is the ideal time of year to being Probing the Depths, a year-long approach to The Spiritual Exercises of Saint Ignatius!

Probing the Depths

Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo

Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos

Lahat ng mga Santo/Kapistahan

Saint of the Day – Saint Hedwig, Religious Also Saint Margaret Mary Alacoque, Virgin

Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa

Image: Stained glass at St John the Baptist’s Anglican Church by Alfred Handel