Tagalog

Ang Kahihiyang Dulot ng Kapalaluan

October 31, 2020
Saturday of the Thirtieth Week in Ordinary Time
Readings for Today

“Kapag inanyayahan ka ng sinuman sa isang piging ng kasalan, huwag kang umupo sa lugar na pandangal. Baka may inanyayahan siyang panauhing higit na marangal kaysa sa iyo, at lumapit sa iyo ang nag-anyaya sa inyong dalawa at sabihin, ‘Ibigay mo sa taong ito ang iyong lugar,’ at sa kahihiyan ay lumipat ka sa pinakahuling lugar.”  Lucas 14:8-9

Sa pagsasalaysay ni Jesus ng talinghagang ito sa mga kasalo Niya sa bahay ng Pariseo, naantig Niya ang kanilang mga puso.  Malinaw na marami sa mga nakikinig sa Kanya ang naghahangad ng mataas na pagtingin ng iba at labis na nag-aalala sa kanilang reputasyon sa lipunan.  Tiyak na nakatatakot para sa kanila ang isiping mauupo sila sa lugar na pandangal sa isang piging, ngunit mapapahiya lamang ng may-anyaya kapag pinalipat sila sa isang mas mababang puwesto.  Malinaw sa mga taong abala sa paghahangad ng katanyagan sa lipunan ang ganitong kahihiyan.  

Ginagamit ni Jesus ang nakahihiyang halimbawang ito upang ilantad ang kanilang kapalaluan at ang panganib ng pamumuhay nang may ganitong kapalaluan.  Sinabi pa Niya, “Sapagkat ang bawat nagmamataas ay ibababa, ngunit ang nagpapakumbaba ay itataas.”

Gaano man kadalas nating suriin ang ating budhi hinggil sa kapalaluan, kailangan pa rin natin itong patuloy na gawin.  May dahilan kung bakit tinatawag ang kapalaluan na “Ina ng lahat ng kasalanan.”  Ang kapalaluan ay humahantong sa lahat ng iba pang kasalanan at, sa maraming paraan, siyang pinagmumulan ng lahat ng kasalanan.  Kaya kung nais nating magsikap tungo sa pagiging ganap sa buhay, dapat nating hangarin ang tunay na pagpapakumbaba araw-araw.

Ang pagpapakumbaba ay walang iba kundi ang pagtingin sa mga bagay ayon sa tunay na kalagayan ng mga ito.  Nakikita ng taong mapagpakumbaba ang kanyang sarili sa liwanag ng katotohanan ng Diyos.  Maaaring mahirap itong gawin dahil kailangan nating makita na tayo ay mahina at umaasa sa Diyos.  Maaaring marami tayong magawa sa mundong ito sa pamamagitan ng sarili nating lakas at pagsisikap.  Ngunit hindi natin makakamit ang kaligayahan at kabutihan maliban kung bubuksan natin ang ating sarili sa katotohanan ng ating mga kahinaan at ng ating pag-asa sa Diyos sa lahat ng bagay.  

Tinutulungan din tayo ng pagpapakumbaba na linisin ang ating mga puso mula sa isang bagay na napakahirap bitiwan.  Dahil sa kapalaluan, masidhi nating hinahangad ang mataas na pagtingin ng iba at dito natin ibinabatay ang ating kaligayahan.  Mapanganib na landas ito sapagkat patuloy nitong ginagawang nakasalalay tayo sa mga opinyon ng iba.  At napakadalas, ang mga opinyon ng iba ay nakabatay sa mali at mababaw na mga pamantayan.

Pagnilayan mo ngayon kung gaano ka kalaya mula sa mapanlinlang at maling mga opinyon ng iba.  Siyempre, kailangan mong palaging humingi ng payo sa mga taong kilala at mahal mo.  Ngunit dapat mong hayaang sa Diyos at sa Kanyang Katotohanan lamang ka umasa.  Kapag ginawa mo ito, malayo na ang iyong mararating sa landas ng tunay na pagpapakumbaba.

Lord, please make me humble.  Strip away all pride in my life so that I can turn to You and Your will alone.  Help me to have concern only for the Truth that You establish and to use that as the only measure of my soul.  Jesus, I trust in You.

Prayers & Resources for the U.S. Elections

Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo

Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos

Mga Santo/Kapistahan Ngayon

Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa

Image: The Meal in the House of the Pharisee by James Tissot