Tagalog

Ang Karunungan ng Diyos

June 2, 2021
Wednesday of the Ninth Week in Ordinary Time
Readings for Today

Mga San Marcelino at Pedro, mga Martir—Opsiyonal na Paggunita

Video

Lumapit kay Hesus ang ilang Saduceo, na nagsasabing walang pagkabuhay na mag-uli, at itinanong sa Kanya, “Guro, isinulat ni Moises para sa amin, ‘Kung mamatay ang kapatid ng isang lalaki at maiwan ang asawa nito na walang anak, dapat pakasalan ng lalaki ang balo at magkaroon ng mga supling para sa kanyang kapatid.’ Ngayon, may pitong magkakapatid na lalaki…” Mark 12:18–20

Pagkatapos, inilahad ng mga Saduseong ito kay Jesus ang isang mahaba at malabong mangyaring sitwasyong kathang-isip, kung saan ang babaeng ito ay napangasawa ng lahat ng pitong magkakapatid matapos mamatay ang bawat isa. At sa pagtatapos ng kanilang kathang-isip na sitwasyon, tinanong ng mga Saduseo si Jesus, “Sa muling pagkabuhay, kapag sila ay bumangon, kanino siyang magiging asawa?” Siyempre, ibinigay ni Jesus sa kanila ang tamang sagot at pagkatapos ay nagsabi rin Siya ng isang bagay na kapansin-pansin. Sinabi Niya sa mga Saduseo na sila ay “labis na naliligaw.” Bago ang pakikipag-usap na ito sa mga Saduseo, nagharap na ang mga Pariseo ng sarili nilang tanong kay Jesus sa pagtatangkang bitagin Siya. Tila ang pagkakaiba nila ay mas tapat ang mga Saduseo sa kanilang paghahanap sa katotohanan, samantalang mas nahuhumaling naman ang mga Pariseo sa sarili nilang awtoridad at kapangyarihan.

Itinuturing ang mga Saduseo na mas tradisyonal sa mga pinunong panrelihiyon, sapagkat ang Torah lamang, ang unang limang aklat ng Lumang Tipan, ang tinatanggap nilang tunay na ipinahayag ng Diyos. Hindi rin nila tinatanggap ang buhay matapos ang kamatayan o ang muling pagkabuhay ng mga patay dahil naniniwala silang hindi tahasang itinuturo ng Torah ang mga bagay na iyon. Hindi lamang ang Torah ang tinatanggap ng mga Pariseo kundi pati ang iba pang nilalaman ng Lumang Tipan. Tinatanggap din ng mga Pariseo ang tinatawag na “tradisyon ng mga matatanda,” na nangangahulugang binibigyan nila ng malaking pansin ang labis na masusing pagpaparami ng mga batas at tuntuning binuo ng ibang mga Pariseo, at sinisikap nilang ipataw sa mga tao ang mga batas na iyon na gawa ng tao.

Sa siping ito ng Ebanghelyo, tila ang suliranin ng mga Saduseo ay ang labis na pagkabalisa sa pagsunod sa bawat tuntunin at ang pagiging mahigpit at di-natitinag sa kanilang pag-unawa sa pananampalataya. Malinaw na umasa sila sa pangangatwiran ng tao, at ginamit nila ito sa pag-unawa sa Torah. At bagaman nakatutulong at kailangan sa buhay ang pangangatwiran ng tao at ang pagbuo ng mga kongklusyong lohikal, sinikap nilang lutasin ang bawat usapin ng pananampalataya sa pamamagitan lamang ng sarili nilang pagsisikap, sa makitid at di-nababaluktot na pagpapakahulugan sa Torah. Hindi nila hinayaang maging bukas ang kanilang sarili sa mas malalim na karunungan ng Diyos na pumupuspos sa isip ng tao kapag nakikinig siya nang mabuti sa banal na inspirasyon at paghahayag. Sa halip, wala silang kinikilalang anumang pagitan sa tama at mali sa lahat ng kanilang mga kongklusyon at gawain. Dahil sa katigasang ito, sila ay “labis na naliligaw.”

Sa sarili nating buhay, maaari rin tayong labis na maligaw kapag ginagamit natin ang kaloob na pangangatwiran ng tao sa paraang makitid at di-nababaluktot. Hindi natin dapat gawing labis na payak ang pananampalataya, at hindi natin dapat isipin na madali nating matatagpuan ang lahat ng sagot sa pamamagitan lamang ng sarili nating pagsisikap. Ang dapat nating maging palagiang layunin ay ang hayaang lubos na mababad ang ating isip sa pinakamalalim na karunungan ng Diyos at sa lahat ng Kanyang ipinahayag. Gagabayan tayo ng mga turo ng Simbahan upang manatili tayo sa tuwid na landas, ngunit ang tinig ng Diyos, na nangungusap sa ating isip sa tunay at personal na paraan, ang tutulong sa atin na maunawaan ang lalim at lawak ng Kalooban ng Diyos, ng Kanyang Katotohanan, at ng Kanyang Karunungan.

Pagnilayan mo ngayon ang anumang pagkahilig mong maging katulad ng mga Saduseong ito. Mahigpit ka ba at di-natitinag sa iyong mga pananaw? O makitid ang iyong pag-iisip? Hinahayaan mo bang malinlang ka ng pag-aakalang nasa iyo ang lahat ng sagot? Kung gayon, hangarin mong maging mapagpakumbaba. Magpakumbaba ka sa harap ng mga kahanga-hangang hiwaga ng Langit. Gamitin mo ang iyong isip upang saliksikin ang mga katotohanang ipinahayag ng Diyos, at maging handang maakay nang palalim nang palalim sa buhay ng Diyos Mismo.

My Lord of infinite wisdom, You are Truth Itself and You continually reveal Yourself to us. Give me the humility I need to always be open to all divine Truth in my life so that I will come to know You and Your holy will as You desire. Jesus, I trust in You.

Novena to the Sacred Heart
Novena dates: June 2-10, 2021
June 11, 2021: Solemnity of the Sacred Heart

Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo

Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos

Mga Meditasyon sa Banal na Kasulatan para sa Karaniwang Panahon

Lahat ng mga Santo/Kapistahan

Santo ng Araw – Sina San Marcelino at San Pedro, mga Martir

Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa

Featured image above: The Sermon on the Mount By Guillaume Fouace, via Wikimedia Commons