Tagalog

Gawin sa Kapwa…

June 23, 2020
Tuesday of the Twelfth Week of Ordinary Time
Readings for Today

“Gawin ninyo sa kapwa ang anumang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang Kautusan at ang mga Propeta.”  Mateo 7:12

Ang pamilyar na pananalitang ito ay isang utos ng Diyos na itinakda sa Lumang Tipan.  Isa itong mabuting tuntuning dapat sundin sa buhay.

Ano ang nais mong “gawin sa iyo” ng kapwa?  Pag-isipan mo ito at sikaping maging tapat.  Kung tapat tayo sa ating sarili, kailangan nating aminin na marami tayong nais na gawin ng kapwa para sa atin.  Nais nating igalang tayo, pakitunguhan nang may dignidad, tratuhin nang makatarungan, at iba pa.  Ngunit sa mas malalim na antas, nais nating mahalin, unawain, kilalanin, at kalingain tayo.  

Sa kaibuturan ng ating puso, dapat nating sikaping kilalanin ang likas na pananabik na ibinigay sa atin ng Diyos na makibahagi sa isang ugnayang puno ng pagmamahal sa kapwa, at mahalin ng Diyos.  Ang pagnanais na ito ay nasa pinakadiwa ng pagiging tao.  Bilang mga tao, nilikha tayo para sa pag-ibig na iyon.  Ipinahahayag ng sipi sa Banal na Kasulatan sa itaas na dapat tayong maging handa at kusang magbigay sa kapwa ng nais nating matanggap.  Kung nakikilala natin sa ating sarili ang likas na pagnanais na mahalin, dapat din nating sikaping linangin ang pagnanais na magmahal.  Dapat nating linangin ang pagnanais na magmahal sa kapantay na antas ng paghahangad nating mahalin tayo.

Mas mahirap itong gawin kaysa sabihin.  Dahil sa ating pagkamakasarili, may hilig tayong humingi at umasa ng pagmamahal at awa mula sa kapwa, samantalang mas mababa ang pamantayang itinatakda natin para sa sarili pagdating sa kung gaano kalaki ang ibinibigay natin.  Ang susi ay ituon muna ang ating pansin sa ating tungkulin.  Dapat nating sikaping makita kung ano ang tinatawag tayong gawin at kung paano tayo tinatawag na magmahal.  Kapag itinuring natin ito bilang ating pangunahing tungkulin at sinikap nating isabuhay ito, matutuklasan nating higit na kasiyahan ang matatagpuan natin sa pagbibigay kaysa sa paghahangad na tumanggap.  Matutuklasan natin na ang “paggawa sa kapwa,” anuman ang “ginagawa nila sa atin,” ang tunay na nagbibigay sa atin ng kaganapan.

Pagnilayan mo ngayon ang likas na pagnanais sa iyong puso na mahalin at igalang ka ng kapwa.  Pagkatapos, gawin mo itong batayan ng pakikitungo mo sa mga nasa paligid mo.  

Lord, help me to do to others what I desire they do to me.  Help me to use the desire in my own heart for love as the motivation for my love of others.  In giving of myself, help me find fulfillment and satisfaction in that gift.  Jesus, I trust in You.

Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo

Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos

Mga Santo/Kapistahan Ngayon

Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa

Image: Transfiguration Duccio di Buoninsegna


My Catholic Life! Series
A complete summary of the Catholic faith!