October 23, 2020
Friday of the Twenty-Ninth Week in Ordinary Time
Readings for Today
San Juan ng Capistrano, Pari—Opsyonal na Paggunita

Sinabi ni Hesus sa mga tao, “Kapag nakikita ninyong namumuo ang ulap sa kanluran, agad ninyong sinasabi na uulan—at umuulan nga; at kapag napapansin ninyong umiihip ang hangin mula sa timog, sinasabi ninyong iinit—at umiinit nga. Mga mapagpaimbabaw! Marunong kayong umunawa sa anyo ng lupa at ng langit; bakit hindi ninyo alam kung paano unawain ang kasalukuyang panahon?” Lucas 12:54-56
Alam mo ba kung paano unawain ang kasalukuyang panahon? Mahalaga para sa atin, bilang mga tagasunod ni Kristo, na matapat na suriin ang ating mga kultura, lipunan, at ang daigdig sa kabuuan, at unawain ang mga ito nang tapat at wasto. Kailangan nating makilatis ang kabutihan at ang presensya ng Diyos sa ating daigdig, at kailangan din nating matukoy at maunawaan ang mga pagkilos ng Masama sa ating kasalukuyang panahon. Gaano mo ito kahusay na nagagawa?
Isa sa mga taktika ng Masama ang paggamit ng pagmamanipula at kasinungalingan. Hangad ng Masama na lituhin tayo sa di-mabilang na paraan. Ang mga kasinungalingang ito ay maaaring magmula sa media, sa ating mga pinunong pampulitika at, kung minsan, maging sa ilang pinunong panrelihiyon. Tuwang-tuwa ang Masama kapag may pagkakawatak-watak at lahat ng uri ng kaguluhan.
Kaya ano ang dapat nating gawin kung nais nating “unawain ang kasalukuyang panahon?” Dapat nating italaga nang buong puso ang ating sarili sa Katotohanan. Dapat nating hanapin si Hesus nang higit sa lahat sa pamamagitan ng panalangin at hayaang tulungan tayo ng Kanyang presensya sa ating buhay na makilala kung ano ang mula sa Kanya at kung ano ang hindi.
Inihaharap sa atin ng ating mga lipunan ang di-mabilang na mga pagpiling moral, kaya maaari nating matagpuan ang ating sarili na nahihila sa iba’t ibang direksyon. Maaaring masubok ang ating pag-iisip at, kung minsan, makita nating maging ang pinakapangunahing mga katotohanan tungkol sa pagkatao ay inaatake at binabaluktot. Isaalang-alang, halimbawa, ang aborsyon, euthanasia, at tradisyonal na pag-aasawa. Ang mga katuruang moral na ito ng ating pananampalataya ay patuloy na inaatake sa iba’t ibang kultura ng ating daigdig. Ang mismong dignidad ng tao at ang dignidad ng pamilya ayon sa pagkakadisenyo rito ng Diyos ay kinukuwestiyon at tuwirang hinahamon. Isa pang halimbawa ng kalituhan sa ating daigdig ngayon ay ang pag-ibig sa salapi. Napakaraming tao ang nabibihag ng pagnanais sa materyal na kayamanan at naaakit ng kasinungalingang ito ang daan tungo sa kaligayahan. Ang pag-unawa sa kasalukuyang panahon ay nangangahulugang nakikita natin ang katotohanan sa kabila ng anuman at lahat ng kalituhan sa ating panahon. Nangangahulugan itong nakikilala natin ang mga kamaliang pangkultura at moral bilang mga tunay na kamalian.
Pagnilayan mo ngayon kung handa at kaya mong hayaang pawiin ng Espiritu Santo ang kalituhang hayagang laganap sa ating paligid. Handa ka bang hayaang tumagos sa iyong isipan ang Espiritu Santo ng Katotohanan at akayin ka sa buong katotohanan? Ang paghahanap sa katotohanan sa ating kasalukuyang panahon ang tanging paraan upang hindi madaig ng maraming kamalian at kalituhang inihaharap sa atin araw-araw.
Lord, help me to interpret the present time and to see the errors fostered all around us, as well as Your goodness manifest in so many ways. Give me courage and wisdom so that I may reject what is evil and seek that which is from You. Jesus, I trust in You.
Prayers & Resources for the U.S. Elections
Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo
Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos
Santo ng Araw – San Juan ng Capistrano, Pari
Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa
Larawan: Si Hesus na Nangangaral sa Bundok, ni Gustave Dore




