Tagalog

Ang Pinakamalalim na Hangarin ng Iyong Puso

January 27, 2021
Wednesday of the Third Week in Ordinary Time
Readings for Today

Santa Angela Merici, Birhen—Opsiyonal na Paggunita

“Ang mga naihasik sa mga dawagan ay isa pang uri. Sila ang mga taong nakikinig sa salita, ngunit pumapasok ang mga alalahanin sa mundo, ang pang-akit ng kayamanan, at ang paghahangad sa iba pang mga bagay, at sinasakal ang salita, kaya hindi ito namumunga.” Mark 4:20

This description from the Parable of the Sower seems to describe a growing number of people in our world today. The first grouping of people mentioned in this parable have little to no faith and are represented by the seed sown on the path which is quickly consumed by satan. The second group of people have a little initial faith and are represented by seed sown on rocky ground. The passage above represents the third grouping of people who are like seeds sown in good soil but is also among thorns. The fourth are those who are like rich soil and the Word of God grows deeply in their lives. Let’s consider the third grouping of people in more detail. 

May tatlong kasamaang sumasakal sa Salita ng Diyos sa ating buhay: “ang mga alalahanin sa mundo, ang pang-akit ng kayamanan, at ang paghahangad sa iba pang mga bagay.” Sa ating panahon, marami ang dumaranas ng sari-saring pagkabalisa, nilalamon ng pagnanasa sa materyal na kayamanan, at naghahangad ng marami pang ibang bagay. Sa tatlong kalagayang ito, ang mga tuksong ito sa kalooban ay dumadaig sa dalisay na Katotohanan ng Salita ng Diyos sa kanilang buhay.

Karaniwang suliranin ngayon ang pagkabalisa. At bagaman kadalasan ay isa itong sikolohikal na pakikibaka, maaari rin itong magkaroon ng mga ugat na espirituwal. Ang pagkabalisa ay ang pakikibaka sa labis na pag-aalala, pagkanerbiyos tungkol sa maraming aspeto ng buhay, at pagkabagabag tungkol sa hinaharap. Sa ganitong kalagayan, kapag hindi lubusang pinupuspos at ginagabayan ng Persona ni Hesus at ng Katotohanan ng mensahe ng Ebanghelyo ang ating buhay, naiiwan tayong mag-isa upang “humanap ng paraan.” At ang pag-iisang ito ay halos laging humahantong sa pagkawala ng pag-asa, takot, at kawalan ng malalim na kapayapaan.

Karamihan sa mga nakikipagbuno sa pagkabalisa ay walang tigil na naghahanap ng lunas. At isa sa mga madalas nilang lapitan ay ang mapanlinlang na ginhawang dulot ng materyal na kayamanan o ng “paghahangad sa iba pang mga bagay.” Isipin mong nanalo ka ng napakalaking halaga ng pera. Malulutas ba nito ang iyong mga alalahanin sa buhay? Bagaman maaari kang matuksong isipin na oo, sa kaibuturan ng ating puso ay alam nating lahat na isa itong kasinungalingan. Ang materyal na kayamanan ay hindi kailanman maaasahang bukal ng kasiyahan sa buhay. Gayundin ang halos lahat ng iba pang bagay na “hinahangad” natin sa buhay. Iisa lamang ang makapagbibigay ng ganap na kasiyahan. At iyon ay ang Diyos.

Pagnilayan mo ngayon ang mga bagay sa iyong buhay na tila umuubos ng lakas ng iyong isip. Ano ang iyong inaalala, inaasam, at pinakamatinding hinahangad? Ano ang mali mong pinaniniwalaang makapagpapagaan sa mga pakikibaka sa iyong kalooban? Ano ang pinakaaasam mo? Maglaan ka ng oras ngayon upang ipaalala sa iyong sarili ang hindi maikakailang katotohanan na ang Diyos, ang Kanyang banal na kalooban, at ang lahat ng Kanyang ipinahayag bilang Totoo ang tanging bukal ng kasiyahan. Sikaping hayaang mag-ugat nang malalim sa iyong puso ang Katotohanang iyon upang lumago ang mga Katotohanan ng Diyos at mamunga nang sagana ng mabubuting bungang pinakamatindi mong hinahangad.

My merciful Lord, help me to be open fully to Your holy Word so that the seed of Your Word will be planted deeply in my heart. May I always reject the many lies and deceptions of the world so that I can be freed of the anxieties and fleeting pleasures of life. May I seek only the deep and sustaining delights that come from a life fully given over to You so that I will live in the peace and grace of Your holy will. Jesus, I trust in You.

Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo

Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos

Lahat ng mga Santo/Kapistahan

Santo ng Araw – Santa Angela Merici, Birhen

Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa

Featured image above: Parable of the sower (September) By Marten van Valckenborch