Tagalog

Ang Buhay ng Pagsasakripisyo

March 11, 2020
Wednesday of the Second Week of Lent
Readings for Today

Sumagot si Jesus, “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Kaya ba ninyong inumin ang kalis na iinumin ko?” Sinabi nila sa Kanya, “Kaya namin.” Sumagot Siya, “Tunay ngang iinumin ninyo ang aking kalis, ngunit ang maupo sa aking kanan at kaliwa ay hindi sa akin ang pagpapasya, kundi para iyon sa mga pinaghandaan ng aking Ama.”  Matthew 20:22–23

Madaling magkaroon ng mabuting hangarin, ngunit sapat na ba iyon?  Ang mga salita sa Ebanghelyo sa itaas ay sinabi ni Jesus sa magkapatid na Santiago at Juan matapos lumapit kay Jesus ang kanilang mapagmahal na ina at hilingin sa Kanya na ipangakong pauupuin Niya ang dalawa niyang anak sa Kanyang kanan at kaliwa kapag lumuklok na Siya sa Kanyang trono bilang Hari.  Marahil ay medyo mapangahas ang paghingi niya nito kay Jesus, ngunit malinaw na pagmamahal ng isang ina ang nasa likod ng kanyang kahilingan.

Gayunman, mahalagang pansinin na hindi niya talaga nauunawaan ang kanyang hinihingi.  At kung naunawaan niya ang kanyang hinihingi, marahil ay hindi na niya hiniling kay Jesus ang “pabor” na ito.  Paakyat noon si Jesus sa Jerusalem, kung saan Siya luluklok sa Kanyang trono ng Krus at ipapako sa krus.  At sa ganitong kalagayan hiniling kay Jesus na makasama Niya sina Santiago at Juan sa Kanyang trono.  Ito ang dahilan kung bakit tinanong ni Jesus ang dalawang Apostol na ito, “Kaya ba ninyong inumin ang kalis na iinumin ko?”  Sumagot naman sila, “Kaya namin.”  At pinagtibay ito ni Jesus sa pagsasabi sa kanila, “Tunay ngang iinumin ninyo ang aking kalis.”

Inanyayahan sila ni Jesus na sumunod sa Kanyang mga yapak at buong tapang na ialay ang kanilang buhay bilang sakripisyo dahil sa pagmamahal sa kapwa.  Kailangan nilang talikuran ang lahat ng takot at maging handa at kusang-loob na magsabi ng “Oo” sa sarili nilang mga krus habang sinisikap nilang paglingkuran si Kristo at ang Kanyang misyon.

Ang pagsunod kay Jesus ay hindi natin dapat gawin nang kulang sa buong puso.  Kung nais nating maging tunay na tagasunod ni Kristo, kailangan din nating inumin ang kalis ng Kanyang Kamahal-mahalang Dugo, hayaang tumagos ito sa kaibuturan ng ating kaluluwa, at matustusan ng kaloob na iyon upang maging handa at kusang-loob tayong magbigay ng ating sarili hanggang sa ganap na pagsasakripisyo.  Kailangan nating maging handa at kusang-loob na walang ipagkait, kahit mangahulugan ito ng pinakadakilang sakripisyo.

Totoo, kakaunti lamang ang tatawaging maging mga martir sa literal na kahulugan, ngunit TAYONG LAHAT ay tinatawag na maging mga martir sa espiritu.  Nangangahulugan ito na dapat tayong lubusang magpaubaya kay Kristo at sa Kanyang kalooban, hanggang sa mamatay tayo sa ating sarili.  

Pagnilayan ngayon ang tanong na ito ni Jesus sa iyo: “Kaya mo bang inumin ang kalis na iinumin ko?”  Kaya mo bang kusang-loob na ibigay ang lahat, nang walang ipinagkakait?  Maaari bang maging gayon kaganap at kalubos ang pagmamahal mo sa Diyos at sa kapwa na ikaw ay maging isang martir sa pinakatunay na kahulugan ng salita?  Magpasiyang magsabi ng “Oo,” uminom sa kalis ng Kanyang Kamahal-mahalang Dugo, at ialay araw-araw ang iyong buhay bilang ganap na sakripisyo.  Sulit ito, at kaya mo itong gawin!

Lord, may my love for You and others be so complete that I hold nothing back.  May I give my mind only to Your Truth and my will to Your Way.  And may the gift of Your Precious Blood be my strength on this journey so that I may imitate Your perfect and sacrificial love.  Jesus, I trust in You.

40 Days at the Foot of the Cross – Reflection Fourteen – “Do Whatever He Tells You”

Mga Sanggunian para sa Kuwaresma

Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo

Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos

Mga Santo/Kapistahan Ngayon

Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa