Tagalog

Pagtatayo ng Kaharian

March 5, 2021
Friday of the Second Week of Lent
Readings for Today


Video

“Kaya sinasabi Ko sa inyo, aalisin sa inyo ang Kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bayang magbubunga para rito.” Matthew 21:42

Kabilang ka ba sa mga aalisan ng Kaharian ng Diyos? O kabilang ka sa mga pagkakalooban nito upang magbunga ng mabuti? Isa itong mahalagang tanong na dapat sagutin nang tapat.

The first grouping of people, those who will have the Kingdom of God taken away from them, are represented in this parable by the tenants of the vineyard. It is clear that one of their greatest sins is greed. They are selfish. They see the vineyard as a place through which they can enrich themselves and care little about the good of others. Sadly, this mindframe is easy to adopt in our own lives. It’s easy to see life as a series of opportunities for us to “get ahead.” It’s easy to approach life in a way that we are constantly looking out for ourselves rather than sincerely seeking the good of others.

Ang ikalawang pangkat ng mga tao, ang mga pagkakalooban ng Kaharian ng Diyos upang magbunga ito ng mabuti, ay yaong mga nakauunawang ang pangunahing layunin ng buhay ay hindi lamang ang magpayaman kundi ang ibahagi sa iba ang pag-ibig ng Diyos. Sila ang mga taong patuloy na naghahanap ng mga paraan upang maging tunay na pagpapala sa kapwa. Ito ang pagkakaiba ng pagkamakasarili at pagkabukas-palad.

Ngunit ang pagkabukas-palad na pangunahing panawagan sa atin ay ang pagtatayo ng Kaharian ng Diyos. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng mga gawa ng pag-ibig sa kapwa, ngunit ang pag-ibig na ito ay dapat mag-ugat sa Ebanghelyo at magkaroon ng Ebanghelyo bilang pinakalayunin nito. Ang pagkalinga sa mga nangangailangan, pagtuturo, paglilingkod, at iba pang katulad nito ay mabuti lamang kung si Kristo ang dahilan at pinakalayunin. Sa pamamagitan ng ating buhay, dapat na higit na makilala at mahalin, maunawaan at sundin si Hesus. Sa katunayan, kahit pakainin natin ang napakaraming taong naghihirap, kalingain ang mga maysakit, o dalawin ang mga nalulungkot, ngunit gawin natin ang mga ito sa ibang dahilan at hindi upang sa huli ay maibahagi ang Ebanghelyo ni Hesukristo, hindi magbubunga ang ating gawain ng mabuting bunga ng pagtatayo ng Kaharian ng Langit. Kung gayon, magiging mga pilantropo lamang tayo sa halip na mga misyonero ng pag-ibig ng Diyos.

Pagnilayan mo ngayon ang misyong ibinigay sa iyo ng ating Panginoon na mamunga nang sagana ng mabuti para sa pagtatayo ng Kanyang Kaharian. Unawain mong maisasakatuparan lamang ito sa pamamagitan ng mapanalanging paghahanap sa paraan ng pagkilos na ipinahihiwatig sa iyo ng Diyos. Hangarin mong paglingkuran lamang ang Kanyang kalooban upang ang lahat ng iyong gagawin ay maging para sa kaluwalhatian ng Diyos at sa kaligtasan ng mga kaluluwa.

Aking maluwalhating Hari, idinadalangin kong lumago ang Iyong Kaharian at makilala Ka ng maraming kaluluwa bilang kanilang Panginoon at Diyos. Gamitin Mo ako, mahal na Panginoon, sa pagtatayo ng Kahariang iyon at tulungan Mong magbunga nang sagana at mabuti ang lahat ng aking ginagawa sa buhay. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

40 Days at the Foot of the Cross – Reflection Sixteen – The Greatest of Miracles

Mga Sanggunian para sa Kuwaresma

Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo

Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos

Mga Pagninilay sa Banal na Kasulatan para sa Kuwaresma

Mga Santo/Kapistahan Ngayon

Mga Pagpipilian sa mga Pagbasa sa Misa

Featured image above: Parable of the wicked husbandmen By Marten van Valckenborch