Thursday, February 28, 2019
Thursday of the Seventh Week in Ordinary Time

“Ang bawat isa ay aasinan ng apoy. Mabuti ang asin, ngunit kung mawalan ito ng alat, paano ninyo maibabalik ang lasa nito? Panatilihin ninyo ang asin sa inyong sarili at mamuhay kayo nang mapayapa sa isa’t isa.” Marcos 9:49-50
Handa ka na bang “asinan ng apoy?” Nililinaw ni Hesus na ang bawat isa ay daraan sa “pag-aasin” na ito. Kaya ano nga ba talaga ang ibig sabihin nito?
Adding salt to food brings forth the flavor. It doesn’t so much change the food into something else; rather, it enhances what is there, adding more to the taste.
May bisa rin ang asin na maglinis. Ginagamit ito upang mapreserba ang pagkain at tumutulong itong mag-alis ng bakterya rito. Kapwa mahalagang pagnilayan ang dalawang larawang ito ng pagbibigay-lasa at pagpapanatili.
Being “salted with fire” means that we are purified by God. Fire purifies and refines. Heat is used to sanitize utensils, fire is used to purify gold, and it is also used to mold precious metals into images or jewelry.
Gayon din sa atin. Dapat tayong dalisayin ng apoy ng Diyos sa lahat ng paraan. Kailangang alisin ang kasalanan, at kailangan tayong maging madaling hubugin sa pamamagitan ng apoy ng Diyos upang mahubog tayo ayon sa Kanyang banal na larawan.
Ngunit paano ito nangyayari? Ang isang paraan ay kapag nililinis tayo sa lahat ng makalamang pagnanasa at pita na makasarili at salungat sa kalooban ng Diyos. Maaari itong maging masakit, kaya naman ang larawan ng apoy ang ginagamit. Ang isa pang paraan ay kapag dinadalisay tayo sa mas malalim na antas ng espiritu. Maaaring mangyari ito kapag binibigyan tayo ng isang mabigat na krus na papasanin at ginagawa natin ito nang may pagtitiis at pagtanggap. Kapag hinahamon at sinusubok ang ating kalooban, nagkakaroon tayo ng pagkakataong ipagkatiwala sa Diyos ang sarili nating kalooban at piliin ang Kanyang kalooban. Ngunit madalas na kabilang sa Kanyang kalooban ang lubos na pagyakap sa anumang pagdurusang dinaranas natin. Sa ganitong kalagayan, maaaring dalisayin tayo ng pagdurusa sa pinakamalalim na antas ng ating kalooban at, sa gayon, nagiging daan ito ng pagtubos para sa atin.
Pagnilayan mo ngayon ang pagkilos ng Diyos na nagpapadalisay sa iyong buhay. Pagnilayan mo lalo na ang anumang paraan kung paano mo nadarama ang sakit ng isang pagdurusang ayaw mong yakapin. Alamin mong ang lubos na pagyakap sa pagdurusang ito ay maaaring magbunga ng pagdadalisay na nais ng Diyos sa iyong buhay upang ikaw ay maging tunay na banal at dalisay.
Lord, I pray that You purify my soul of all sin. Help me, first, to be freed of all fleshly attachments that interfere with my love of You. Help me, also, to be free of my own will. May the sufferings and cross in my life become a true grace through which You free me and help me to grow strong in patience and all virtue. I give myself to You, dear Lord. Jesus, I trust in You.
Higit pang mga Pagninilay sa Ebanghelyo
Mga Pagninilay sa Inaawit na Awa ng Diyos




